Sitwayon ng Wika sa Social Media
Ang wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha ng tao sa kaniyag tahanan,paaralan,pamayanan,at lipunan. Ang wika ay ginamit ng buong bansa. samakutuwid ang wika ay bumubuo sa lipunan ito ang kumokonekta sa bawat indibidwal na kahit kalian, kahit saan nagkakaroon ng uganayan dahil nabuo ng wika ang social media.
Dito satin, ang wika na ating pinahahalagahan ay ang wikang Filipino na ipinaglaban ni Dr. Jose P. Rizal para sa ating karapatan. karapatang magkaroon ng sariling wika, karapatang magkaroon ng pagkakaisa.
Ngunit bakit ngayong moderno na ang panahon. Ngayong, nagkaroon na ng Social Media sa mundo ay onti unti ng nakakalimutan ang wastong paggamit ng wika. onti unti ng nilalamon ng Sistema ang mga Pilipino, sa mga umuusong salita, paraan ng pagbigkas ng mga ito sa social media.
Sa Social Media, dito lumalabas ang iba't ibang klase ng lengwahe maging nang pagbigkas ng wika. Sa social media lumalabas ang beki language na kung saan hindi maayos o iniiba nila ang pag gamit nito, inaakma ng mga ito ang pag gamit nila sa wika ng nagpapakita ng kabaklaan o nang pag karate ng salita. ang beki language na bigla nalang umuso sa social media na ngayo'y halos lahat inaapply ito sa pang araw-araw.
Tulad ng Beki language, marami pang iba't ibang salita ang nauuso na mabilis natututunan ng mga kabataan. maging ang simpleng salita na EDI WOW, EDI SHING at ang ibang pagpapaikli ng mga salita tulad ng LOL, OTW, OOTD, LMAO, LT na mabilis makaimpluwensiya sa mga Pilipino. Ilan pa lamang iyan sa mga salita na nakakaepekto sa wikang Filipino.
Pano na kaya ang wika, kung dadagdag pa ang JEJE Words sa mundo na ang social media ulit ang nagpauso ? Nakakaloka na, nakakaloka kung bakit kailangan pang gawing letra ang number, tuald nalang ng pinauso nilang JEJE ALPHABET. Yung ang simple pero gagawin padin nilang komplikado.
At ngayon marami ang gumagamit ng TAGLISH o mas kilala sa tawag na CONYO. Pinaghahalong Ingles at Tagalog.
Dahil sa makapangyarihang social media, naapektuhan nito ng Malaki ang wikang Filipino. dahil ang social media na kaakibat ng mga kabataan sa araw araw na paglilibang, pakikipagkomunikasyon, madali nitong naiimpluwensiyahan ang mga kabataan. sa malaking tulong ng social media, ang laki din ng epekto nito sa ating wika. hindi nabibigyan ng tamang pagkilala, tamang pagpapahalaga sa wika.
Maaari bang tayo'y muli magkaisa? ibalik ang wikang Filipino sa Social Media? Ngayon, tayo ang umimpluwensiya sa makapangyarihang SOCIAL MEDIA. Ibalik ang pagkakaisa at pagmamahal sa wikang nagpapakilala sa ating mga Pilipino.
Hello, We are in Senior Highschool and can we ask one question: What's your full name? It's for research so we need a name who cite this statement. Thank you for consideration ☺️
TumugonBurahin